Saturday, December 19, 2009

Ang aking Christmas Wish List

Dahil 5 days na lang bago mag-Pasko, at dahil uso rin ito ngayon, sige na nga, makikiuso na rin ako.

Christmas 2009 Wish List

1. "I-was-supposed-to-get-that-coffeehouse-planner-but-I-got-fat/broke-on-the-10th-frappe" Planner 2010


Dahil ayon sa nagbebenta nito, eto na ang planner na nagta-Tagalog, nakikipag-usap sa'yo na parang ka-close mo lang, kakaiba ang artwork (ni Karl Castro) at hindi pa-sweet (sarcastic pa nga minsan at masarap sapakin, pero totoo naman ang sinasabi). Ayun. Astig, astig!

[edit] Pero meron na ako nito! Regalo ko sa sarili ko! Belat! Kayo na bahala sa mga susunod na kahilingan ko. :)



2. Brownies mula sa Brownies Unlimited. Yung 12-pak ha.



3. USB. 4gb or 8 gb.

Kahit anong tatak. But on second thought, mas ok siguro pag Imation. :)

4. Nokia 7310 or 7610 Supernova phone.

Dahil pinapahirapan na ako ng selepono ko. Hindi na kami magkasundo.

5. Laptop.

Kahit anong brand din. Pero take note, mas tsutsal, mas ok!

6. DSLR Camera.


Preferrably Nikon. :)

Dahil uso ito ngayon, makikuso rin ako. Joke. Dahil minsan beyn ako, at gusto kong maging artsy-fartsy ang kabeynang iyon.

7. My long overdue sweldo from Kumon Katipunan

Pasko na. Wala na akong pera. Go figure.

[edit] Well, na-receive ko na ito. Yun nga lang, sa tingin ko, hindi ako well-compensated. :| Ohwell.


Note: Ang mga susunod na kahilingan ay maaaring balewalain. Hindi niyo ito kayang ibigay. Pramis. Maliban na lang kung ikaw si God, o marunong ka maghimala.

P.S. But prayers are very much appreciated! :)

8. that Sagip! Children's storybook prize.

Because I need the money. And siguro, magiging fulfilled ang pakiramdam ko dahil dun.

9. A stable job for Papa.

Dahil expired na ang working contract niya, at kailangan pa rin niyang mag-provide para sa amin na pamilya niya.


10. World Peace. Justice. Truth.

Enough said.


Isa pang Note: Kung hindi kaya ng credit cards niyo ang mga nakasaad sa taas, CASH ay pwede rin!
Denominations accepted are: Php 100, 200, 500 at 1000. :)

PAALALA: May 5 araw pa bago mag-Pasko. May oras ka pa! Go, now na!

Thursday, December 10, 2009

Let's Start Over, Shall We?

Alam ko. Tamad ako. At hindi ako committed.

Pero sana this time, magkabayag na ako (in a metaphorical sense ha), na panagutan at panindigan ka.

Kasi alam ko yung pakiramdam nung iniiwan sa ere.

Hindi ako mangangako. Pero pipilitin kong maging committed sa iyo.



Magsimula tayong muli.#

Saturday, May 30, 2009

Bitterness ay yung lollipop na gustung-gusto mo pero hindi mo nabili, kahit pinag-ipunan mo nang husto, kasi kinulang pa rin ang pera mo o may ibang nakabili.


Putek. Parang foreshadowing lang na pinag-usapan namin ni Ness ang tungkol sa bitterness. And sakto pa na nagkaroon ako ng definition ng bitterness a day before nangyari yun.

How... timely. :

Sunday, May 24, 2009

May tanong ako.

Sana sagutin mo naman ako ng, "May sagot ako."

Naalala mo ba yung pink na pa-sqaure na bubble gum nun na may komiks na kasama? Oo, yung may batang lalaki na may pampiratang takip sa kaliwang mata.

Ah. Oo, yung Bazooka.

Kasi, nagtataka lang ako. Si Bazooka ba at si Bubble Joe ay iisa?

Please. Sagutin mo naman tanong ko.

Tungkol sa kung anu-anong shit ng katawang Pinoy.

May binabasa akong libro ngayon. Ang title, The Body Book. Astig yun. Sobra. Andami mong malalaman na kung anu-anong shit tungkol sa katawan ng Pinoy.

Natawa nga ako nung sinabi dun na ang mga taong flat-footed daw ay tamad. Tapos, pwede daw gamitin ang sabong Perla para sa pimples. Kung ano ang ibig sabihin ng nunal sa mga espisipikong parte ng katawan mo. Na ang tawag pala dati sa butas ng ilong ay kasbang. Kung bakit Olongapo ang tawag sa Olongapo. Basta, andami ko pang nalaman. Kung anu-anong shit tungkol sa kuto, buhok, kuntil, tilin, braso, siko, ulo, utak, atay, etc.

Ikukuwento ko pa sana dito lahat lahat ng kakatwang shit na nalaman ko eh, kaya lang tinatamad na ako. :D

Wednesday, May 20, 2009

Ok na, sikat na sikat na sila. Sana matapos na.

Bakit si Hayden Kho at ang mga sex video niya, napapabalita? At binibigyan ng pansin ng senado?

Ok na, sikat na sikat na siya, si Vicky Belo at si Katrina Halili. Ok na, biktima na si Katrina Halili dahil nilapastangan ang kanyang pagkababae.

Pero

Pwede bang let's get our attentions back to more important issues? Like yung sa Carper and now, on the taxation of books?

Pwede bang 'tong mga issues naman na 'to ang bigyang pansin at mabigyan ng mas mahabang airtime kapag ibinabalita?

Sabi nila, all the best things in life are for free

Pero hindi ako naniniwala.

Hindi NA ako naniniwala.

Sa Ateneo, maganda daw education. One of the bests ika pa nila. Pero napakataas naman ng tuition! Alam ko hindi ganun kalaki ang tuition na binabayaran ko bilang 75% scholar naman ako. Pero kung walang stable na trabaho ang tatay mo sa ngayon, at hindi rin naman ganoon kalaki ang sinusweldo ng nanay mo, tapos tatlo pa kayong magkakapatid na nag-aaral (2 nasa kolehiyo pa!), nagiging mahal na rin ang halos 20K na binabayaran mo para sa buong sem.

Ang sabi ko sa sarili ko nun, mahal talaga ang kaisa-isang bisyo ko (na siya ring source ng happiness ko bilang isang libangan): ang pagbabasa. Isipin mo, magkano na ba ang isang libro ngayon? tapos sa kurso ko, puro libro pa ang kailangan. Mamamatay ka na sa gastos!
At ang mapait na katotohanan? mahal na nga talaga, magmamahal pa.

Aba, eh humirit pa kaya ang gobyerno! 5% tax on imported books! Kamusta naman kayong mga bwakanangsyet kayo?! Ano'ng tingin ninyo, kayo kayo lang ang nagbabasa? Marami rin kaming nagbabasa, at gusto pang bumasa na mabubutas ang bulsa dahil sa ipinasa ninyong batas.
Sa lahat ng ito, san banda nagkakatotoo ang sabi nila na 'all the best things in life are for free'? Kung mismong ang edukasyon at libangan mo, gastos na, may tax pa.

Mabuti pa sa Makati, may libreng edukasyon at iba pang benefits. Sana... Sana ganito na lang sa buong bansa.

Chos.


But seriously speaking, hindi na tama na tumbasan ang lahat ng bagay ng malaking halaga.

Tuesday, May 12, 2009

(^*(#@$^!!!!!!

(buntong hininga)

BAKIT HINDI NAGRIRINNG ANG SELEPONO KO?


(buntong hininga ulet)

KBYE.

Saturday, April 25, 2009

Makapagdrama nga.

Tutal ito lang ata ang isang bagay na alam kong gawin. O, sabihin na nating expertise ko, o baka nga talent na.

Alam mo ba, isang araw, nagising na lang ako na pakiramdam ko isa akong malaking FAILURE.

Wala naman kasi akong achievement. O kahit anung maipagmamalaki. Para bang puro kabiguan lang.

Sa acads, para bang biglang naging bobo ako mula nung pumasok ako sa kolehiyo.
Sa love life, ay sus, ako na ata ang presidente ng martir-slash-tanga club.
Sa social life, hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong makipag-socialize.
Sa talent, bokya pa rin ako.
Sa relationship ko sa Diyos, ay sus, baon na ata ako sa impyerno.
Sa pamilya, wala na silang tiwala sakin.


Iniisip ko minsan, ako ba ang problema? Ako lang ba ang ganito dito sa mundo? Wala ba akong karamay? Wala bang pagbabago?

Hindi pa naman ako suicidal at sana wag nang umabot pa sa ganung punto.

Hindi mo to magegets. Hindi mo ako magegets.

Hindi ko alam kung asa stage ako ng personal fable ba yun, yung sa psych, basta yun.

Inuulit ko, hindi mo ako magegets. Gusto ko lang magdrama. Sabi nga ng isang kakilala, kung minsan masarap magdrama.

Saturday, January 24, 2009

Tula at Pag-ibig

Matagal-tagal na rin mula nung huli akong nakasulat ng isang tula. Saktong na-broken hearted lang ako kahapon kaya nagtangka akong sumulat ulit. Para mabawasan din kahit pano yung bigat nung nararamdaman ko kahapon.

para kay A.*

minahal kita nuon
mahal kita ngayon
mamahalin kita
basta’t mamahalin kita
sa anumang panahon

wala ka nang dapat pang itanong.


hindi siya masyadong mukhang tula, pero wa ka care 'day.


isang malaking pasasalamat sa mga tula ng pag-ibig ni ilaya. {kahit pinuno lang nun ang isang dram ng luha ko]


*as inspired by ricky lee’s para kay B (o kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin)


[gusto kong mabuhay na magmuli.#]