Pano nga ba makakalimot? O makabibitiw sa mga alaala? Sa apat na taon ng mga alaala. Lalo na kung sa lahat ng sulok ng mundo, lahat ng bagay, pati amoy at lasa, ay naroroon sila? Pano mo matatakasan ang lahat ng ito kung bumabalik-balik sila sa lahat ng panahon?
Alam mong takot ako sa mga multo, pero heto ka, saglit na dadalaw at magpaparamdam, ipapaalala ang lahat sa akin sa bawat oras.
Monday, June 28, 2010
Sunday, June 27, 2010
Tuesday, June 22, 2010
Death
And that is how I would describe every day.
A death.
Every single day.
I wake up, and realize you're not there. Anymore.
This could've been easier if true death just came in my way.

Thursday, June 3, 2010
After X years, I want it this way.
Sabihin mo nga saken, pano mo nagawa yun?
Ang alin?
Yung iwasan ako, bitiwan at makalimutan.
...
Ok lang kahit di mo sagutin. Masyado na atang personal. Hehe.
Hindi sa ganun.
...
Hindi ko naman ginawang lumimot eh.

Wednesday, June 2, 2010
I don't want it this way.
INT. Sa isang maliit na kwarto sa isang bodegang ginawang paupahan sa may Quiapo.
"Hanggang kelan mo hahanapin sa iba ang wala sa akin?" Pasigaw kong sumbat sayo, punung-puno ng galit, ng paninibugho. Walang humpay ang pagpatak ng luha na para bang malakas ang hagupit ng bagyo.
"Kelan mo ako matututunang mahalin sa kung ano ako, sa kung ano lang ang meron ako? Sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sayo?" Tiningnan kita, ikaw naman ay nakayuko, nakasandal sa kama.
Hindi ko sigurado kung may ibinulong ka, pero parang narinig ko, sabi mo, "Sorry."
Ilang sandali din tayong natahimik. Tinitingnan kita, pero patuloy kang nakayuko. Gusto kong iangat ang mukha mo para makita mo ako sa itsura ko ngayon.Mugtung-mugto na ang mga mata kaiiyak. Hirap na hirap sa pinagdadaanan.
"Sorry. Hindi ko sinasadya." Tumingin ka sakin, halata ko na hirap ka rin sa pinagdadaanan natin. Tiningnan mo ako ng diretso.
Sa isip ko, ang tapang mo para matingnan ako ng diretso.
"Walang kwenta ang sorry mo. Sinira mo tiwala ko sayo." Hindi ko kayang sagutin ng tingin ang titig mo. Ewan ko, parang kinukutya ako at ang pagkukulang ko, ang kaduwagan ko. Na para bang hindi lang ikaw ang may kasalanan sa nangyari.
Umakma akong aalis na, humawak sa door knob. "Aalis na ako." Hindi ko alam kung nagpapaalam ako o nagpapahiwaitg na, tangina naman, habulin mo ako paglabas ko. Naghintay ako saglit kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto kong mangyari.
Pero wala kang ginawa. Nakasandal ka pa rin sa gilid ng kama, nakatingin sa mga paa mo.
Pinihit ko na ang door knob at humakbang palabas. At saka hinila ng malakas ang pinto pasarado.
Nagmamadali ako maglakad palabas dahil alam ko nakatingin, at marahil ay nagbubulungan na rin ang mga iba pang nangungupahan kung ano nangyari.
Habang naglalakad nang mabilis, pinipigilan ko ang sarili kong lumingon. Dahil natatakot ako na baka hindi mo naman pala ako sinusundan o hinahabol man lang.
Naririnig ko na ang papalapit na ulan, kumukulog nang malakas at may bahagyang pag-ilaw ng kalangitan dahil sa mga kidlat.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad, walang paki kung may mabunggo o matapakan man. Nakarating na ako sa kanto, maayos kahit papaano maliban sa tubig-alat na unting pumupuno sa mata ko. Huminga ako nang malalim dahil ayoko na( muna)ng umiyak.
Hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Lumingon ako, wala siya. Tumingin sa kanan at kaliwa kahit hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko. Tumigil sandali, at napabuntong-hininga.
Maya-maya tiningnan ko ang mga paparating na dyip, naghahanap ng maluwag-luwag na masasakyan. Pinara ko ang isang dyip patungong Proj.6. Sumakay. Saktong pag-akyat ko, nagsimulang bumuhos ang ulan, kasabay ng mga luha sa aking mga mata.

Subscribe to:
Posts (Atom)