Sunday, October 10, 2010

birthday wish

birthday ko ngayon. at dalawa lang ang birthday wish ko.

una, ang makagradweyt sa darating na marso.
ikalawa, ang maging masaya.

nalulungkot ako na dalawang araw bago dumating itong araw na ito, maraming nangyari sa buhay ko na hindi maganda. ewan ko, malungkot ang buhay ko, o ang mga nakaraang araw.

kaya gusto ko lang maging masaya. kahit ngayong araw lang na ito. sana maging masaya ako, effortlessly.

i deserve to be happy, you know.

Friday, October 1, 2010

Minsan talaga may mga bagay na pag hindi ukol, hindi bubukol.

Na kahit gano mo ito ka-gusto, na sa tingin mo naman lahat kayang mong gawin para dito (sa tamang panahon), hindi talaga eh. Kasi hindi talaga laan para sayo.

Minsan nagmahal na ako na parang wala nang bukas. O kaya naman, parang wala nang mamaya.

Sabihin na nating maaga akong lumandi (sa pananaw iyon ng iba). Pero hindi eh, nagmahal lang ako at sineryoso ito nang maaga.

Hindi naman kasi ito pelikula o teleserye. Na kahit anong ikot ng kwento, sa huli, happy ending pa rin. Na love conquers all.

Kasi pano kung hindi nga para sayo di ba?

Mali kasi yung cliche na yun eh. Mas tama ata yung destined love conquers all. Kasi kahit mahal mo naman siya, kung hindi kayo ang para sa isa't isa, hindi naman nun magagapi o mapagtatagumpayan lahat ng pagsubok diba?

Nagmahal ako nang para wala nang bukas.

Sa ngayon, oo.

Bukas, oo pa rin.

sa isang buwan, o tatlo, sa isang taon, malay natin.

Pero gusto kong magmahal ulit ng para wala nang bukas. Dahil sa totoo lang, dito ka lang naman makapgbibigay ng katarungan sa minamahal mo. Dahil alam mong hindi ka nagtimpi, ibinigay mo ang lahat ng kaya mong ibigay. Hindi ka nag-hold back, para lang ma-secure na hindi ka gaano masasaktan.

Na kapag ibinibigay mo ang lahat, oo mas masasaktan ka. Pero hindi ba mas nagmahal ka sa ganoong paraan? Dahil wala kang ipinagdamot o ipinagkait sa kanya.

Mali man ito sa pananaw ng iba, ito ang paraan ko ng pagmamahal.

At hindi ako nagsisisi. wala akong pinagsisisihan kasi alam kong nagmahal ako ng tama at minahal din naman ako ng tama.

May panghihinayang dahil sa inakala niyong pareho na kayo na talaga, pero hindi naman sa inyo ang problema. Hindi lang talaga siguro ukol.

At para sayo na mahal ko sa loob ng halos 4 na taon ng buhay ko, sayo na naging literal ang "he took my breath away", na nag-ukit ng maraming masasayang alaala sa isip ko, na una kong minahal, SALAMAT.

alam mo na iyon kung bakit. mas magiging matatag ako, hindi para sayo o para saten, kung hindi para sa akin. sa sarili ko.