Wednesday, September 1, 2010

Tinanong ako ng isang kaibigan: "ok ka lang ba?"

Gusto kong sagutin ng, "oo naman, ok lang ako. ngayon na lang naman ako ulit umabsent."

Pero ewan ko, naluha na lang ako, parang tanga lang. Hahaha.

Alam ko kasi, kapag may nagtanong sayo ng "ok ka lang", alam mo na kagad na hindi ka ok.

Hindi ko na alam ang problema ko. Seryoso.

Gusto kong sabihing ok ako, ok ako, dahil ok naman talaga ako.

Pero hindi eh, at ang masaklap, hindi ko na alam kung bakit.

Nilalamon ako ng kung anuman itong bwakanangsyet na ito. At well, nagpapalamon naman ako.

Di ko na alam ang gagawin. Seryoso. AS IN.

Gusto ko na lang matapos 'to. Tas magpahinga. Kasi ewan, pagod na pagod na ako sa buhay.

Na-burnout na lang ba ako?

Thursday, August 26, 2010

some personal rant shit

for all the past years na gumagawa ako ng exam reviewer para sa mga kapatid ko, ni isang thank you o salamat wala akong narinig sa inyo.

ngayong hindi ako makagawa ng isa dahil sa tambak ng gagawin, kung makapagsalita naman parang napakawalang kwenta ko.

oh, and just so you know, nasa things to do ko ang mga reviewer na yun.

Thursday, August 5, 2010

i have this sad/tragic theory about my life: i won't live after 40.

ewan, joke. wag naman sana.

existential crisis to da max itech!

Wednesday, July 21, 2010

ano itong nangyari? bakit ko pinuno ng kung anu-anong pagtatangka sa pagtula ang blog ko? hahahahahahahahaha.

alam mo na to. insecurity. maygahd, secure me please.

i'm tired of this shit.

pabili nga ng tiwala sa sarili.
mahal kita
dahil ito
ang alam kong
totoo
kahit sa totoo'y
hindi ko alam
kung bakit
mahal kita.
Two pairs of eyes meet: yours held mine with the intensity you moved inside me that night, your phone deliberately emptied of life while your wife's is robbed of beeps and rings. Dark were your eyes, but darker was the room where I laid, stinking of life emptied away into drips of blood and bits of flesh falling into the ground, swimming among shadows of sin, forever only (in) silhouettes, viciously robbed of cries.

*Note: yung in ay nakapanaklong dahil hindi ko alam kung isasama ko o hindi.
Jacket

Tatlong taong gabi,
ang nagdaan,
malamig,
pinaiinit (kumakapit ang init)
ng iyong mga bisig
(sa) ang katawang
madaling manginig

Tatlong daang gabi
ang nagdaan
malamig
wala na
ang dating init
ng iyong mga bisig
ang tanging kumakapit
walang buhay
na telang mga bisig.