INT. Sa isang maliit na kwarto sa isang bodegang ginawang paupahan sa may Quiapo.
"Hanggang kelan mo hahanapin sa iba ang wala sa akin?" Pasigaw kong sumbat sayo, punung-puno ng galit, ng paninibugho. Walang humpay ang pagpatak ng luha na para bang malakas ang hagupit ng bagyo.
"Kelan mo ako matututunang mahalin sa kung ano ako, sa kung ano lang ang meron ako? Sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sayo?" Tiningnan kita, ikaw naman ay nakayuko, nakasandal sa kama.
Hindi ko sigurado kung may ibinulong ka, pero parang narinig ko, sabi mo, "Sorry."
Ilang sandali din tayong natahimik. Tinitingnan kita, pero patuloy kang nakayuko. Gusto kong iangat ang mukha mo para makita mo ako sa itsura ko ngayon.Mugtung-mugto na ang mga mata kaiiyak. Hirap na hirap sa pinagdadaanan.
"Sorry. Hindi ko sinasadya." Tumingin ka sakin, halata ko na hirap ka rin sa pinagdadaanan natin. Tiningnan mo ako ng diretso.
Sa isip ko, ang tapang mo para matingnan ako ng diretso.
"Walang kwenta ang sorry mo. Sinira mo tiwala ko sayo." Hindi ko kayang sagutin ng tingin ang titig mo. Ewan ko, parang kinukutya ako at ang pagkukulang ko, ang kaduwagan ko. Na para bang hindi lang ikaw ang may kasalanan sa nangyari.
Umakma akong aalis na, humawak sa door knob. "Aalis na ako." Hindi ko alam kung nagpapaalam ako o nagpapahiwaitg na, tangina naman, habulin mo ako paglabas ko. Naghintay ako saglit kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto kong mangyari.
Pero wala kang ginawa. Nakasandal ka pa rin sa gilid ng kama, nakatingin sa mga paa mo.
Pinihit ko na ang door knob at humakbang palabas. At saka hinila ng malakas ang pinto pasarado.
Nagmamadali ako maglakad palabas dahil alam ko nakatingin, at marahil ay nagbubulungan na rin ang mga iba pang nangungupahan kung ano nangyari.
Habang naglalakad nang mabilis, pinipigilan ko ang sarili kong lumingon. Dahil natatakot ako na baka hindi mo naman pala ako sinusundan o hinahabol man lang.
Naririnig ko na ang papalapit na ulan, kumukulog nang malakas at may bahagyang pag-ilaw ng kalangitan dahil sa mga kidlat.
Patuloy pa rin ako sa paglalakad, walang paki kung may mabunggo o matapakan man. Nakarating na ako sa kanto, maayos kahit papaano maliban sa tubig-alat na unting pumupuno sa mata ko. Huminga ako nang malalim dahil ayoko na( muna)ng umiyak.
Hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Lumingon ako, wala siya. Tumingin sa kanan at kaliwa kahit hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko. Tumigil sandali, at napabuntong-hininga.
Maya-maya tiningnan ko ang mga paparating na dyip, naghahanap ng maluwag-luwag na masasakyan. Pinara ko ang isang dyip patungong Proj.6. Sumakay. Saktong pag-akyat ko, nagsimulang bumuhos ang ulan, kasabay ng mga luha sa aking mga mata.
Wednesday, June 2, 2010
Sunday, March 7, 2010
Tuesday, March 2, 2010
How do you say goodbye to someone you can't leave behind?
First, you walk away.
You simply walk away.
Walk fast
before you even know
you're taking each step.
Continue walking.
Don't look back.
Bow your head down
if you must.
But don't turn around--
there's no point
of return.
if he follows,
then good.
(because you know,
that's exaclty what you want him to do.)
If he doesn't, continue
walking away.
(there's no point of return)
At the street corner, you
pause and wait
(not for him)
for a moment.
You know you'll cry.
Go ahead.
And then you wait--
for the ride away
from home
(because after all, home
is where your heart is).
First, you walk away.
You simply walk away.
Walk fast
before you even know
you're taking each step.
Continue walking.
Don't look back.
Bow your head down
if you must.
But don't turn around--
there's no point
of return.
if he follows,
then good.
(because you know,
that's exaclty what you want him to do.)
If he doesn't, continue
walking away.
(there's no point of return)
At the street corner, you
pause and wait
(not for him)
for a moment.
You know you'll cry.
Go ahead.
And then you wait--
for the ride away
from home
(because after all, home
is where your heart is).
Monday, March 1, 2010
Sunday, February 28, 2010
dahil pag-ibig din ang pagtula
i.
Lahat ng bagay parang pag-ibig
Tulad ng kapeng pampagana
sa iyong umaga, pagkatapos
ng malamig na gabi.
Mainit sa palad
ang tasang naglalaman--
brewed coffee, sugar at cream.
Tamang-tama ang lasa
pagkat sakto ang pagtimpla.
Sige na't inumin mo na,
Baka lumamig pa.
ii.
Lahat ng bagay parang pag-ibig.
Parang iyang chopsticks
hawak mo sa iyong kamay.
Magkasama dapat sa paggamit
tadhana nama'y kay pait.
Paano mo nga ba iyan gamitin?
Magkadikit na'y
iyo pang pinaghiwalay.
iii.
Lahat ng bagay parang pag-ibig.
Tulad ng pagsali sa lotto
Lahat naghahangad ng panalo
Milyon milyong Filipino
Pipila sa mga tindahan,
Sa drugstore, sa kanto
Tumataya, sumusugal
Itataya mo pa kaya
Sampu o bente mo
Kung minsan isa lang talaga ang panalo?
iv.
Lahat ng bagay parang pag-ibig.
Tulad ng mga sugat at peklat
Sa iyong batang katawan.
Na mula sa pagkakadapa
Ilang sebo de macho man
Ang ubusin
Mga marka’y Nariyan
at nariyan pa rin.
Friday, January 22, 2010
Thursday, January 7, 2010
dahil uso ang secrets ngayon, makikiuso ako.
umabsent ako sa ilang klase ko kasi... heehee ;)
sikretong malupet!
sikretong malupet!
Subscribe to:
Posts (Atom)