Saturday, April 25, 2009

Makapagdrama nga.

Tutal ito lang ata ang isang bagay na alam kong gawin. O, sabihin na nating expertise ko, o baka nga talent na.

Alam mo ba, isang araw, nagising na lang ako na pakiramdam ko isa akong malaking FAILURE.

Wala naman kasi akong achievement. O kahit anung maipagmamalaki. Para bang puro kabiguan lang.

Sa acads, para bang biglang naging bobo ako mula nung pumasok ako sa kolehiyo.
Sa love life, ay sus, ako na ata ang presidente ng martir-slash-tanga club.
Sa social life, hanggang ngayon hindi pa rin ako marunong makipag-socialize.
Sa talent, bokya pa rin ako.
Sa relationship ko sa Diyos, ay sus, baon na ata ako sa impyerno.
Sa pamilya, wala na silang tiwala sakin.


Iniisip ko minsan, ako ba ang problema? Ako lang ba ang ganito dito sa mundo? Wala ba akong karamay? Wala bang pagbabago?

Hindi pa naman ako suicidal at sana wag nang umabot pa sa ganung punto.

Hindi mo to magegets. Hindi mo ako magegets.

Hindi ko alam kung asa stage ako ng personal fable ba yun, yung sa psych, basta yun.

Inuulit ko, hindi mo ako magegets. Gusto ko lang magdrama. Sabi nga ng isang kakilala, kung minsan masarap magdrama.