Monday, November 15, 2010

Sunday, October 10, 2010

birthday wish

birthday ko ngayon. at dalawa lang ang birthday wish ko.

una, ang makagradweyt sa darating na marso.
ikalawa, ang maging masaya.

nalulungkot ako na dalawang araw bago dumating itong araw na ito, maraming nangyari sa buhay ko na hindi maganda. ewan ko, malungkot ang buhay ko, o ang mga nakaraang araw.

kaya gusto ko lang maging masaya. kahit ngayong araw lang na ito. sana maging masaya ako, effortlessly.

i deserve to be happy, you know.

Friday, October 1, 2010

Minsan talaga may mga bagay na pag hindi ukol, hindi bubukol.

Na kahit gano mo ito ka-gusto, na sa tingin mo naman lahat kayang mong gawin para dito (sa tamang panahon), hindi talaga eh. Kasi hindi talaga laan para sayo.

Minsan nagmahal na ako na parang wala nang bukas. O kaya naman, parang wala nang mamaya.

Sabihin na nating maaga akong lumandi (sa pananaw iyon ng iba). Pero hindi eh, nagmahal lang ako at sineryoso ito nang maaga.

Hindi naman kasi ito pelikula o teleserye. Na kahit anong ikot ng kwento, sa huli, happy ending pa rin. Na love conquers all.

Kasi pano kung hindi nga para sayo di ba?

Mali kasi yung cliche na yun eh. Mas tama ata yung destined love conquers all. Kasi kahit mahal mo naman siya, kung hindi kayo ang para sa isa't isa, hindi naman nun magagapi o mapagtatagumpayan lahat ng pagsubok diba?

Nagmahal ako nang para wala nang bukas.

Sa ngayon, oo.

Bukas, oo pa rin.

sa isang buwan, o tatlo, sa isang taon, malay natin.

Pero gusto kong magmahal ulit ng para wala nang bukas. Dahil sa totoo lang, dito ka lang naman makapgbibigay ng katarungan sa minamahal mo. Dahil alam mong hindi ka nagtimpi, ibinigay mo ang lahat ng kaya mong ibigay. Hindi ka nag-hold back, para lang ma-secure na hindi ka gaano masasaktan.

Na kapag ibinibigay mo ang lahat, oo mas masasaktan ka. Pero hindi ba mas nagmahal ka sa ganoong paraan? Dahil wala kang ipinagdamot o ipinagkait sa kanya.

Mali man ito sa pananaw ng iba, ito ang paraan ko ng pagmamahal.

At hindi ako nagsisisi. wala akong pinagsisisihan kasi alam kong nagmahal ako ng tama at minahal din naman ako ng tama.

May panghihinayang dahil sa inakala niyong pareho na kayo na talaga, pero hindi naman sa inyo ang problema. Hindi lang talaga siguro ukol.

At para sayo na mahal ko sa loob ng halos 4 na taon ng buhay ko, sayo na naging literal ang "he took my breath away", na nag-ukit ng maraming masasayang alaala sa isip ko, na una kong minahal, SALAMAT.

alam mo na iyon kung bakit. mas magiging matatag ako, hindi para sayo o para saten, kung hindi para sa akin. sa sarili ko.

Wednesday, September 1, 2010

Tinanong ako ng isang kaibigan: "ok ka lang ba?"

Gusto kong sagutin ng, "oo naman, ok lang ako. ngayon na lang naman ako ulit umabsent."

Pero ewan ko, naluha na lang ako, parang tanga lang. Hahaha.

Alam ko kasi, kapag may nagtanong sayo ng "ok ka lang", alam mo na kagad na hindi ka ok.

Hindi ko na alam ang problema ko. Seryoso.

Gusto kong sabihing ok ako, ok ako, dahil ok naman talaga ako.

Pero hindi eh, at ang masaklap, hindi ko na alam kung bakit.

Nilalamon ako ng kung anuman itong bwakanangsyet na ito. At well, nagpapalamon naman ako.

Di ko na alam ang gagawin. Seryoso. AS IN.

Gusto ko na lang matapos 'to. Tas magpahinga. Kasi ewan, pagod na pagod na ako sa buhay.

Na-burnout na lang ba ako?

Thursday, August 26, 2010

some personal rant shit

for all the past years na gumagawa ako ng exam reviewer para sa mga kapatid ko, ni isang thank you o salamat wala akong narinig sa inyo.

ngayong hindi ako makagawa ng isa dahil sa tambak ng gagawin, kung makapagsalita naman parang napakawalang kwenta ko.

oh, and just so you know, nasa things to do ko ang mga reviewer na yun.

Thursday, August 5, 2010

i have this sad/tragic theory about my life: i won't live after 40.

ewan, joke. wag naman sana.

existential crisis to da max itech!

Wednesday, July 21, 2010

ano itong nangyari? bakit ko pinuno ng kung anu-anong pagtatangka sa pagtula ang blog ko? hahahahahahahahaha.

alam mo na to. insecurity. maygahd, secure me please.

i'm tired of this shit.

pabili nga ng tiwala sa sarili.
mahal kita
dahil ito
ang alam kong
totoo
kahit sa totoo'y
hindi ko alam
kung bakit
mahal kita.
Two pairs of eyes meet: yours held mine with the intensity you moved inside me that night, your phone deliberately emptied of life while your wife's is robbed of beeps and rings. Dark were your eyes, but darker was the room where I laid, stinking of life emptied away into drips of blood and bits of flesh falling into the ground, swimming among shadows of sin, forever only (in) silhouettes, viciously robbed of cries.

*Note: yung in ay nakapanaklong dahil hindi ko alam kung isasama ko o hindi.
Jacket

Tatlong taong gabi,
ang nagdaan,
malamig,
pinaiinit (kumakapit ang init)
ng iyong mga bisig
(sa) ang katawang
madaling manginig

Tatlong daang gabi
ang nagdaan
malamig
wala na
ang dating init
ng iyong mga bisig
ang tanging kumakapit
walang buhay
na telang mga bisig.
be careful
with the signs.
don't believe
everything;
you see
love is blind.
pure coincidence,
not providence.

Monday, June 28, 2010

Pano nga ba makakalimot? O makabibitiw sa mga alaala? Sa apat na taon ng mga alaala. Lalo na kung sa lahat ng sulok ng mundo, lahat ng bagay, pati amoy at lasa, ay naroroon sila? Pano mo matatakasan ang lahat ng ito kung bumabalik-balik sila sa lahat ng panahon?

Alam mong takot ako sa mga multo, pero heto ka, saglit na dadalaw at magpaparamdam, ipapaalala ang lahat sa akin sa bawat oras.

Sunday, June 27, 2010

Ang hirap nang mag-isa.

Pathetic, alam ko.

Pero kung ikaw ang nasa katayuan ko, siguro kahit kaunti, maiintindihan mo ako.
Nagkakatotoo ata ang hula.

Ayokong isipin.

Tuesday, June 22, 2010

Death

And that is how I would describe every day.

A death.

Every single day.

I wake up, and realize you're not there. Anymore.



This could've been easier if true death just came in my way.

Thursday, June 3, 2010

After X years, I want it this way.

Sabihin mo nga saken, pano mo nagawa yun?

Ang alin?

Yung iwasan ako, bitiwan at makalimutan.

...

Ok lang kahit di mo sagutin. Masyado na atang personal. Hehe.

Hindi sa ganun.

...

Hindi ko naman ginawang lumimot eh.

Wednesday, June 2, 2010

I don't want it this way.

INT. Sa isang maliit na kwarto sa isang bodegang ginawang paupahan sa may Quiapo.

"Hanggang kelan mo hahanapin sa iba ang wala sa akin?" Pasigaw kong sumbat sayo, punung-puno ng galit, ng paninibugho. Walang humpay ang pagpatak ng luha na para bang malakas ang hagupit ng bagyo.

"Kelan mo ako matututunang mahalin sa kung ano ako, sa kung ano lang ang meron ako? Sa kung ano lang ang kaya kong ibigay sayo?" Tiningnan kita, ikaw naman ay nakayuko, nakasandal sa kama.

Hindi ko sigurado kung may ibinulong ka, pero parang narinig ko, sabi mo, "Sorry."

Ilang sandali din tayong natahimik. Tinitingnan kita, pero patuloy kang nakayuko. Gusto kong iangat ang mukha mo para makita mo ako sa itsura ko ngayon.Mugtung-mugto na ang mga mata kaiiyak. Hirap na hirap sa pinagdadaanan.

"Sorry. Hindi ko sinasadya." Tumingin ka sakin, halata ko na hirap ka rin sa pinagdadaanan natin. Tiningnan mo ako ng diretso.

Sa isip ko, ang tapang mo para matingnan ako ng diretso.

"Walang kwenta ang sorry mo. Sinira mo tiwala ko sayo." Hindi ko kayang sagutin ng tingin ang titig mo. Ewan ko, parang kinukutya ako at ang pagkukulang ko, ang kaduwagan ko. Na para bang hindi lang ikaw ang may kasalanan sa nangyari.

Umakma akong aalis na, humawak sa door knob. "Aalis na ako." Hindi ko alam kung nagpapaalam ako o nagpapahiwaitg na, tangina naman, habulin mo ako paglabas ko. Naghintay ako saglit kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto kong mangyari.

Pero wala kang ginawa. Nakasandal ka pa rin sa gilid ng kama, nakatingin sa mga paa mo.

Pinihit ko na ang door knob at humakbang palabas. At saka hinila ng malakas ang pinto pasarado.

Nagmamadali ako maglakad palabas dahil alam ko nakatingin, at marahil ay nagbubulungan na rin ang mga iba pang nangungupahan kung ano nangyari.

Habang naglalakad nang mabilis, pinipigilan ko ang sarili kong lumingon. Dahil natatakot ako na baka hindi mo naman pala ako sinusundan o hinahabol man lang.

Naririnig ko na ang papalapit na ulan, kumukulog nang malakas at may bahagyang pag-ilaw ng kalangitan dahil sa mga kidlat.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad, walang paki kung may mabunggo o matapakan man. Nakarating na ako sa kanto, maayos kahit papaano maliban sa tubig-alat na unting pumupuno sa mata ko. Huminga ako nang malalim dahil ayoko na( muna)ng umiyak.

Hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Lumingon ako, wala siya. Tumingin sa kanan at kaliwa kahit hindi ko alam kung ano ang hinahanap ko. Tumigil sandali, at napabuntong-hininga.

Maya-maya tiningnan ko ang mga paparating na dyip, naghahanap ng maluwag-luwag na masasakyan. Pinara ko ang isang dyip patungong Proj.6. Sumakay. Saktong pag-akyat ko, nagsimulang bumuhos ang ulan, kasabay ng mga luha sa aking mga mata.

Sunday, March 7, 2010

Because secretly, we all live to love, and for love.♥

Tuesday, March 2, 2010

How do you say goodbye to someone you can't leave behind?


First, you walk away.
You simply walk away.
Walk fast
before you even know
you're taking each step.


Continue walking.
Don't look back.
Bow your head down
if you must.


But don't turn around--
there's no point
of return.


if he follows,
then good.
(because you know,
that's exaclty what you want him to do.)


If he doesn't, continue
walking away.
(there's no point of return)


At the street corner, you
pause and wait
(not for him)
for a moment.


You know you'll cry.
Go ahead.


And then you wait--
for the ride away
from home
(because after all, home
is where your heart is).

Monday, March 1, 2010

There are only two things I want to do in my lifetime: love and write (most probably about love).

Sunday, February 28, 2010

dahil pag-ibig din ang pagtula

i.
Lahat ng bagay parang pag-ibig

Tulad ng kapeng pampagana
sa iyong umaga, pagkatapos
ng malamig na gabi.
Mainit sa palad
ang tasang naglalaman--
brewed coffee, sugar at cream.
Tamang-tama ang lasa
pagkat sakto ang pagtimpla.

Sige na't inumin mo na,
Baka lumamig pa.

ii.
Lahat ng bagay parang pag-ibig.

Parang iyang chopsticks
hawak mo sa iyong kamay.
Magkasama dapat sa paggamit
tadhana nama'y kay pait.
Paano mo nga ba iyan gamitin?
Magkadikit na'y
iyo pang pinaghiwalay.

iii.

Lahat ng bagay parang pag-ibig.

Tulad ng pagsali sa lotto
Lahat naghahangad ng panalo
Milyon milyong Filipino
Pipila sa mga tindahan,
Sa drugstore, sa kanto
Tumataya, sumusugal
Para sa Milyon milyong piso.

Itataya mo pa kaya
Sampu o bente mo
Kung minsan isa lang talaga ang panalo?




iv.

Lahat ng bagay parang pag-ibig.

Tulad ng mga sugat at peklat
Sa iyong batang katawan.
Na mula  sa pagkakadapa
Ilang sebo de macho man
Ang ubusin
Mga marka’y Nariyan
 at nariyan pa rin.


Friday, January 22, 2010

sana naginig bakla na lang ako. kesehodang wala nang matinong pag-ibig. basta may talent (kahit pa man yun).

Thursday, January 7, 2010

dahil uso ang secrets ngayon, makikiuso ako.

umabsent ako sa ilang klase ko kasi... heehee ;)



sikretong malupet!